Saturday, December 26, 2015
Series Circuit and Parallel Circuit
Itong image sa taas ay Example ng Series Circuit.
Ang connection ng mga Loads(Bulb) ay Series.
Kaya lang kapag series ang connection ay naghahati sila sa Voltage,
tsaka pag na Pundi or nasira ang isang Load(Bulb) hindi iilaw yung iba kasi
hindi makakadaan ang Supply kasi nga Series ang connection.
Example ng Series Circuit ay yung Christmas Lights, bawat maliliit na
ilaw nun ay 5 Volts ang rating, Pero magtataka tayo bakit sa 220 volts nakasaksak?
bakit hindi nagputukan yung mga ilaw eh 5 volts lng ang rating? Kasi kaya hindi
pumutok ay Series ang Connection, so naghati sila sa Voltage, so kung 5 volts
bawat isang Bulb or ilaw, ilang ilaw dapat para maging 220 volts?
Answer: 44 na ilaw, kung merong 44 na ilaw sa series circuit at bawat ilaw ay 5 volts
5v X 44 na ilaw = 220 So tig 5 volts napunta sa bawat ilaw.
So 44 na ilaw ang naghati sa 220 volts.
Kasi sa Series circuit ay naghahati sa voltage yung mga Loads(Devices)
Parallel Circuit.
ito namang next image ay example ng Parallel Circuit.
Btw, yung R1 at R2 sa image ay yung mismong Load pwedeng bulb etc
pero ang ginamit ay Resistor kaya R1 at R2 (Resistor 1 and Resistor 2)
Load na din kasi yung resistor since my resistance siya.
Sa Parallel circuit naman ay may kanya kanya silang linya,
Kahit ma sira yung isang Load hindi ma-aapektuhan yung
ibang Load na connected sa parallel circuit.
Sa Parallel ay Bawat Load(Electrical Devices) ay my bukod na Linya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment