Sino naka tuklas ng LAW of electricity na ito? Actually si Georg Ohm, siya ay isang German physicist at natuklasan nya yung Law of electricity nayun at pinangalan sa kanya kaya "Ohm's Law",
Ano ba sinasabi ng Ohm's Law nayan?
Ohm's Law Formula. V = I * R
Where:
V = Voltage (Voltage)
I = Electrical Current(Amperes)
R = Resistance(Ohms Ω)
Ohm's law states that the current flow through a conductor is directly proportional to the potential difference (voltage) and inversely proportional to the resistance.
So ano ang ibig sabihin nyan? ipapaliwanag ko.
sabi si Current(Flow ng electrons) sa conductor(Daluyan) ay directly proportional kay Voltage( Potential difference.)
So ibig-sabihin pag Tinaasan si Voltage tataas din si Current, pag mababa si Voltage, mababa din si Current. And inversely proportional naman kay Resistance, So pag tinaasan ang resistance sa circuit, mababa ang Current Kung ang Voltage ay hindi magbabago.
Ngayon ilalagay ko dito mga math formula para makuha ang I(Amperes), V(voltage) at R(Resistance)
Paano makuha ang Voltage?
V = I * R Voltage is equal to I(current or Ampere) times R(Resistance or Ohms)
Kunwari Given ang Current(Ampere) at Resistance(Ohms)
I = 2Amp (Ampere) and R = 100 Ohms Ω
gamitin natin ang Ohms Law formula para sa voltage V = I * R
V = 2Amp X 100 Ohms = 200
So ang voltage ay 200 volts.
Paano makuha ang Current or Ampere?
I = V / R
Current is equal to Voltage divided by Resistance.
Given:
V = 200v and R = 100 Ω(Ohms)
200v / 100Ω = 2
So ang Current natin ay 2 Amperes,
Ipapaliwanag ko mabuti, kung meron tayong Load(Device) sa Circuit na merong Resistance na 100 Ω at pinadaanan natin ng 200 volts, Ang dadaloy na Current ay 2 Amps.
Paano makuha ang Resistance?
R = V / I
Resistance is equal to Voltage divided by Current(Ampere)
Given:
Voltage = 200v and Current = 2Amp
Resistance = 200v / 2Amp = 100 Ω(Ohms)
So 100 Ohms ang resistance, ganyan lang ka simple.
Ngayon, Meron pang isa, yung Power or Wattage(Watt)
Paano pag kuha ng Wattage?
P = V x I
Power is equal to Voltage times I(Amp)
Given: 220volts and Current 5A(Amperes)
P(Watt) = 220v x 5Amp = 1100 Watts
so ang watts ay 1100.
kung meron kang electrical Device na ang Voltage rating ay 220 volts
at ang Ampere rating ay 5A(Amperes) so ang wattage nung device nayun
ay 1100w (watts).
Ito pa ang ibang Formula para makuha ang, Voltage,Current,Resistance at Wattage.
Ang tanong mahalaga ba yang Ohms Law? Ang sagot ay OO.
Bakit mahalaga?
Kasi importante ang Computation lalu na pagkuha ng Ampere, Bakit?
Kung ang Conductor(Wire) mo ay 10 Amperes lang ang Ampacity
tapos ang Load na sinaksak mo ay 15 Amperes, ang tendency ay masusunog
ang insulation ng wire, kasi nga ang Ampacity lang ay 10Amp tapos ang
Sinaksak mong Load ay 15Amperes edi iinit yung conductor(Copper) so
masusunog yung insulation(goma) ng wire at mag ca-cause pa ng Sunog yan.
Kaya importante yan, Hindi ka Electrician kung hindi mo alam yang Basic
Ohm's Law math nayan. mahalagang alam mo yan lalu na kung isa kang
Electrician.
Hindi po ako electrician pero curious po ako about sa ohms law. at medyo mahina pa po pang unawa ko.
ReplyDeletemay tanong po ako:
Tuwing kelan po eto isinasagawa yung "computation about sa ohms law"?
papaano po eto ini-aapply? gaano po ka epektibo etong method nato?
example nga po.
Yun lang po Thanks salamat.