Saturday, December 26, 2015

FUSE, Circuit Breaker and Short Circuit Theory.

After mo matutunan ang Basic Theory ng Electricity at yung Ohm's Law

ngayon naman ipapaliwanag ko kung ano ang Principle ng FUSE at Circuit Breaker
at kung bakit nangyayari ang tinatawag na SHORT CIRCUIT.



Ok unahin natin ang Short circuit. siguro naman naririnig mo na ito sa iba
sina sabi nila na pag nag dikit yung dalawang terminal ng wire na my supply
na Kuryente ay mag sho-short circuit.

Ano ba mangyayari pag aksidenteng nag dikit yung dalawang Terminal?
(+ and -) sa D.C at (Line1 at Line2) sa A.C

Since ang Electrical Conductor(wire) ay very-Low resistance ang tendency ay
tataas ang Current or Ampere, so iinit yung Conductor at masusunog ang wire.
kasi nga mababa ang resistance ng wire, kaya madaming Current ang nakadaan.


Ngayon alam na natin na masusunog ang wire pag nag Dikit(Short circuit)


Paano ma pre-prevent ang pag ka sunog ng wire if ever na mag Short?

Dyan papasok ang tinatawag na OverCurrent Protection Devices.



Example ng OverCurrent Protection.
FUSE and Circuit Breaker.

Unahin natin si FUSE.


Small Glass Fuse.


















ayan sample ng Fuse, makikita yan sa mga maliliit na devices tsaka sa Car.
kung mapapansin nyo my manipis na metal sa loob papunta sa magkabilang

terminal, dyan mismo tatawid yung Current.

Ngayon bawat Fuse ay merong Ampere ratings, halimbawa ang ampere rating

ng Fuse ay  5A (Amperes)  hanggang 5 Ampere na Load lang kaya nya i handle

tanong paano kung lumagpas ng 5 Amperes dumaloy sa Fuse? let say 7 amperes

Ang mangyayari ay iinit yung manipis na metal sa Fuse at mapuputol, Kasi
Low melting point ang nakalagay na metal dun. meaning mabilis siyang matunaw

For Safety yan if ever mag OverCurrent puputok yung Fuse at

mapuputol ang supply ng Kuryente, ginawa talaga yang FUSE for Safety if ever
na magkaroon ng Short Circuit or OverCurrent dahil sa OverLoad na mga Appliances.


So dahil pumutok ang Fuse, Bago palang Masunog ang WIRE eh wala ng supply 

ng Kuryente dahil naputol na sa Fuse.

Marami pang Klase ng Fuse, tignan mo yung Fuse Box ng Bahay nyo.
Cartridge fuse nakalagay sa Main Switch niyo, usually 60 Amperes.


and Btw, ang Fuse ay laging naka Series connection, bali dalawang Fuse
nakalagay,  isa kay Line1 at isapa kay Line2, katulad nitong Main Switch.




Ito Main Switch na merong dalawang FUSE na 60 AMP.























ganyan ang connection ng Fuse, naka Series.
Kung sakaling nagkaroon ng Short circuit, puputok yang Fuse nayan
at mawawalan ng Kuryente sa buong Bahay or building.

or kaya lumagpas ng 60 Amperes dahil ang daming mga Appliances na ginagamit
puputok din yang Fuse at mawawalan ng kuryente, So papalitan mo ng bagong 

Fuse.

60 amperes kasi  60Amp ang Fuse na nakalagay. baka malito kayo bakit 60Amp.

Kaya importante ang computation ng mga Loads, dun mo malalaman kung ilang

Amperes ang dadaloy sa wire base sa mga Loads(Appliances) na ginagamit mo sa bahay
So malalaman mo kung Anong Size ng Wire ang gagamitin mo and ilang Ampere

ba dapat ang Fuse na ilalagay mo.




Ok Next ay Circuit Breaker.

Example ng Double Pole Circuit Breaker.






















Ang Circuit breaker naman ay same lang din sa FUSE, kaya lang sa Fuse kasi
pag pumutok ay bibili ka ulit ng fuse while sa Circuit breaker ay hindi.

Ang circuit breaker kasi pag nagkaroon ng short Circuit eh mag -t-trip lang siya
pag nag trip ang breaker, putol ang supply, so i re-reset mo ulit siya para mag ON

Pag nag Trip kasi ang breaker mawawalan ng Kuryente eh, so my Reset button sila.
para ma-i ON ulit, Pero Paalala  kung i re-reset mo ulit ang breaker siguraduhin mong


na Troubleshoot muna yung Dahilan ng Short circuit, kasi kung hindi eh mag t-trip at

mag t trip ulit ang Breaker, useless lang. Dapat alamin mo kung bakit nag trip si Breaker

it's either na my nag dikit na wire(short circuit) or OverLoad ang mga nakasaksak na Appliances, lumagpas sa Ampere ratings ni Circuit Breaker.


Example kung ang Ampere ratings ng Breaker mo ay  25 Amperes
pag lumagpas ng 25 Amperes mag t-trip ang Circuit breaker mo, walang kuryente.


Kung my mga katanungan, nalilito kayo, mag Comment lang kayo :))
enjoy lang sa pag s-self study hahaha



Series Circuit and Parallel Circuit


Introduction to Series and Parallel Circuit








Itong image sa taas ay Example ng Series Circuit.
Ang connection ng mga Loads(Bulb) ay Series.

Kaya lang kapag series ang connection ay naghahati sila sa Voltage,
tsaka pag na Pundi or nasira ang isang Load(Bulb) hindi iilaw yung iba kasi
hindi makakadaan ang Supply kasi nga Series ang connection.

Example ng Series Circuit ay yung Christmas Lights, bawat maliliit na

ilaw nun ay 5 Volts ang rating, Pero magtataka tayo bakit sa 220 volts nakasaksak?

bakit hindi nagputukan yung mga ilaw eh 5 volts lng ang rating? Kasi kaya hindi

pumutok ay Series ang Connection, so naghati sila sa Voltage, so kung 5 volts
bawat isang Bulb or ilaw, ilang ilaw dapat para maging 220 volts?

Answer: 44 na ilaw, kung merong 44 na ilaw sa series circuit at bawat ilaw ay 5 volts

5v X 44 na ilaw = 220  So tig 5 volts napunta sa bawat ilaw.

So 44 na ilaw ang naghati sa 220 volts.

Kasi sa Series circuit ay naghahati sa voltage yung mga  Loads(Devices)





Parallel Circuit.





ito namang next image ay example ng Parallel Circuit.


Btw, yung R1 at R2 sa image ay yung mismong Load pwedeng bulb etc
pero ang ginamit ay  Resistor kaya R1 at R2 (Resistor 1 and Resistor 2)


Load na din kasi yung resistor since my resistance siya.


Sa Parallel circuit naman ay may kanya kanya silang linya,
Kahit ma sira yung isang Load hindi ma-aapektuhan yung
ibang Load na connected sa parallel circuit.


Sa Parallel ay Bawat Load(Electrical Devices) ay my bukod na Linya.






Friday, December 25, 2015

Ohm's Law tutorial

Sa tutorial na ito, ipapaliwanag kung ano ang "Ohm's Law"at kung bakit importanteng alam ito ng isang  Electrical practitioner/electrician.  Ok lets start.


Sino naka tuklas ng LAW of electricity na ito? Actually si Georg Ohm, siya ay isang German physicist at natuklasan nya yung Law of electricity nayun at pinangalan sa kanya kaya "Ohm's Law",

Ano ba sinasabi ng Ohm's Law nayan?

Ohm's Law Formula.  V = I * R

Where:
            V = Voltage (Voltage)
            I = Electrical Current(Amperes)

           R = Resistance(Ohms Ω)

Ohm's law states that the current flow through a conductor is directly proportional to the potential difference (voltage) and inversely proportional to the resistance.


So ano ang ibig sabihin nyan? ipapaliwanag ko.

sabi si Current(Flow ng electrons) sa conductor(Daluyan) ay directly proportional kay Voltage( Potential difference.)

So ibig-sabihin pag Tinaasan si Voltage tataas din si Current, pag mababa si Voltage, mababa din si Current. And inversely proportional naman kay Resistance, So pag tinaasan ang resistance sa circuit, mababa ang Current Kung ang Voltage ay hindi magbabago.


Ngayon ilalagay ko dito mga math formula para makuha ang  I(Amperes), V(voltage) at R(Resistance)


Paano makuha ang Voltage?
V = I * R  Voltage is equal to I(current or Ampere) times R(Resistance or Ohms)

Kunwari Given ang  Current(Ampere) at Resistance(Ohms)

I = 2Amp (Ampere) and R = 100 Ohms 
Ω

gamitin natin ang Ohms Law formula para sa voltage V = I * R

V = 2Amp X 100 Ohms = 200

So ang voltage ay 200 volts.


Paano makuha ang Current or Ampere?

I = V / R
Current is equal to Voltage divided by Resistance.

Given:

V = 200v and R = 100 
Ω(Ohms) 

200v / 100Ω = 2

So ang Current natin ay  2 Amperes,

Ipapaliwanag ko mabuti, kung meron tayong  Load(Device) sa Circuit na merong Resistance na  100 
Ω at pinadaanan natin ng 200 volts, Ang dadaloy na Current ay 2 Amps.

Paano makuha ang Resistance?

R = V / I

Resistance is equal to Voltage divided by Current(Ampere)

Given:

Voltage = 200v and Current = 2Amp

Resistance =  200v / 2Amp = 100 
Ω(Ohms)
So 100 Ohms ang resistance, ganyan lang ka simple.


Ngayon, Meron pang isa, yung Power or Wattage(Watt)
Paano pag kuha ng Wattage?

P = V x I

Power is equal to Voltage times I(Amp)

Given:  220volts and Current 5A(Amperes)

P(Watt) = 220v x 5Amp =  1100 Watts
so ang watts ay 1100.

kung meron kang electrical Device na ang Voltage rating ay 220 volts
at ang Ampere rating ay 5A(Amperes) so ang wattage nung device nayun 

ay 1100w (watts).

Ito pa ang ibang Formula para makuha ang, Voltage,Current,Resistance at Wattage.










Ang tanong mahalaga ba yang Ohms Law? Ang sagot ay OO.
Bakit mahalaga?

Kasi importante ang Computation lalu na pagkuha ng Ampere, Bakit?


Kung ang Conductor(Wire) mo ay 10 Amperes lang ang Ampacity

tapos ang Load na sinaksak mo ay 15 Amperes, ang tendency ay masusunog
ang insulation ng wire, kasi nga ang Ampacity lang ay 10Amp tapos ang 


Sinaksak mong Load ay 15Amperes edi iinit yung conductor(Copper) so

masusunog yung insulation(goma) ng wire at mag ca-cause pa ng Sunog yan.


Kaya importante yan, Hindi ka Electrician kung hindi mo alam yang Basic
Ohm's Law math nayan. mahalagang alam mo yan lalu na kung isa kang
Electrician.