After mo matutunan ang Basic Theory ng Electricity at yung Ohm's Law
ngayon naman ipapaliwanag ko kung ano ang Principle ng FUSE at Circuit Breaker
at kung bakit nangyayari ang tinatawag na SHORT CIRCUIT.
Ok unahin natin ang Short circuit. siguro naman naririnig mo na ito sa iba
sina sabi nila na pag nag dikit yung dalawang terminal ng wire na my supply
na Kuryente ay mag sho-short circuit.
Ano ba mangyayari pag aksidenteng nag dikit yung dalawang Terminal?
(+ and -) sa D.C at (Line1 at Line2) sa A.C
Since ang Electrical Conductor(wire) ay very-Low resistance ang tendency ay
tataas ang Current or Ampere, so iinit yung Conductor at masusunog ang wire.
kasi nga mababa ang resistance ng wire, kaya madaming Current ang nakadaan.
Ngayon alam na natin na masusunog ang wire pag nag Dikit(Short circuit)
Paano ma pre-prevent ang pag ka sunog ng wire if ever na mag Short?
Dyan papasok ang tinatawag na OverCurrent Protection Devices.
Example ng OverCurrent Protection.
FUSE and Circuit Breaker.
Unahin natin si FUSE.
Small Glass Fuse.
ayan sample ng Fuse, makikita yan sa mga maliliit na devices tsaka sa Car.
kung mapapansin nyo my manipis na metal sa loob papunta sa magkabilang
terminal, dyan mismo tatawid yung Current.
Ngayon bawat Fuse ay merong Ampere ratings, halimbawa ang ampere rating
ng Fuse ay 5A (Amperes) hanggang 5 Ampere na Load lang kaya nya i handle
tanong paano kung lumagpas ng 5 Amperes dumaloy sa Fuse? let say 7 amperes
Ang mangyayari ay iinit yung manipis na metal sa Fuse at mapuputol, Kasi
Low melting point ang nakalagay na metal dun. meaning mabilis siyang matunaw
For Safety yan if ever mag OverCurrent puputok yung Fuse at
mapuputol ang supply ng Kuryente, ginawa talaga yang FUSE for Safety if ever
na magkaroon ng Short Circuit or OverCurrent dahil sa OverLoad na mga Appliances.
So dahil pumutok ang Fuse, Bago palang Masunog ang WIRE eh wala ng supply
ng Kuryente dahil naputol na sa Fuse.
Marami pang Klase ng Fuse, tignan mo yung Fuse Box ng Bahay nyo.
Cartridge fuse nakalagay sa Main Switch niyo, usually 60 Amperes.
and Btw, ang Fuse ay laging naka Series connection, bali dalawang Fuse
nakalagay, isa kay Line1 at isapa kay Line2, katulad nitong Main Switch.
Ito Main Switch na merong dalawang FUSE na 60 AMP.
ganyan ang connection ng Fuse, naka Series.
Kung sakaling nagkaroon ng Short circuit, puputok yang Fuse nayan
at mawawalan ng Kuryente sa buong Bahay or building.
or kaya lumagpas ng 60 Amperes dahil ang daming mga Appliances na ginagamit
puputok din yang Fuse at mawawalan ng kuryente, So papalitan mo ng bagong
Fuse.
60 amperes kasi 60Amp ang Fuse na nakalagay. baka malito kayo bakit 60Amp.
Kaya importante ang computation ng mga Loads, dun mo malalaman kung ilang
Amperes ang dadaloy sa wire base sa mga Loads(Appliances) na ginagamit mo sa bahay
So malalaman mo kung Anong Size ng Wire ang gagamitin mo and ilang Ampere
ba dapat ang Fuse na ilalagay mo.
Ok Next ay Circuit Breaker.
Example ng Double Pole Circuit Breaker.
Ang Circuit breaker naman ay same lang din sa FUSE, kaya lang sa Fuse kasi
pag pumutok ay bibili ka ulit ng fuse while sa Circuit breaker ay hindi.
Ang circuit breaker kasi pag nagkaroon ng short Circuit eh mag -t-trip lang siya
pag nag trip ang breaker, putol ang supply, so i re-reset mo ulit siya para mag ON
Pag nag Trip kasi ang breaker mawawalan ng Kuryente eh, so my Reset button sila.
para ma-i ON ulit, Pero Paalala kung i re-reset mo ulit ang breaker siguraduhin mong
na Troubleshoot muna yung Dahilan ng Short circuit, kasi kung hindi eh mag t-trip at
mag t trip ulit ang Breaker, useless lang. Dapat alamin mo kung bakit nag trip si Breaker
it's either na my nag dikit na wire(short circuit) or OverLoad ang mga nakasaksak na Appliances, lumagpas sa Ampere ratings ni Circuit Breaker.
Example kung ang Ampere ratings ng Breaker mo ay 25 Amperes
pag lumagpas ng 25 Amperes mag t-trip ang Circuit breaker mo, walang kuryente.
Kung my mga katanungan, nalilito kayo, mag Comment lang kayo :))
enjoy lang sa pag s-self study hahaha
Saturday, December 26, 2015
Series Circuit and Parallel Circuit
Itong image sa taas ay Example ng Series Circuit.
Ang connection ng mga Loads(Bulb) ay Series.
Kaya lang kapag series ang connection ay naghahati sila sa Voltage,
tsaka pag na Pundi or nasira ang isang Load(Bulb) hindi iilaw yung iba kasi
hindi makakadaan ang Supply kasi nga Series ang connection.
Example ng Series Circuit ay yung Christmas Lights, bawat maliliit na
ilaw nun ay 5 Volts ang rating, Pero magtataka tayo bakit sa 220 volts nakasaksak?
bakit hindi nagputukan yung mga ilaw eh 5 volts lng ang rating? Kasi kaya hindi
pumutok ay Series ang Connection, so naghati sila sa Voltage, so kung 5 volts
bawat isang Bulb or ilaw, ilang ilaw dapat para maging 220 volts?
Answer: 44 na ilaw, kung merong 44 na ilaw sa series circuit at bawat ilaw ay 5 volts
5v X 44 na ilaw = 220 So tig 5 volts napunta sa bawat ilaw.
So 44 na ilaw ang naghati sa 220 volts.
Kasi sa Series circuit ay naghahati sa voltage yung mga Loads(Devices)
Parallel Circuit.
ito namang next image ay example ng Parallel Circuit.
Btw, yung R1 at R2 sa image ay yung mismong Load pwedeng bulb etc
pero ang ginamit ay Resistor kaya R1 at R2 (Resistor 1 and Resistor 2)
Load na din kasi yung resistor since my resistance siya.
Sa Parallel circuit naman ay may kanya kanya silang linya,
Kahit ma sira yung isang Load hindi ma-aapektuhan yung
ibang Load na connected sa parallel circuit.
Sa Parallel ay Bawat Load(Electrical Devices) ay my bukod na Linya.
Friday, December 25, 2015
Ohm's Law tutorial
Sa tutorial na ito, ipapaliwanag kung ano ang "Ohm's Law"at kung bakit importanteng alam ito ng isang Electrical practitioner/electrician. Ok lets start.
Sino naka tuklas ng LAW of electricity na ito? Actually si Georg Ohm, siya ay isang German physicist at natuklasan nya yung Law of electricity nayun at pinangalan sa kanya kaya "Ohm's Law",
Ano ba sinasabi ng Ohm's Law nayan?
Ohm's Law Formula. V = I * R
Where:
V = Voltage (Voltage)
I = Electrical Current(Amperes)
R = Resistance(Ohms Ω)
Ohm's law states that the current flow through a conductor is directly proportional to the potential difference (voltage) and inversely proportional to the resistance.
So ano ang ibig sabihin nyan? ipapaliwanag ko.
sabi si Current(Flow ng electrons) sa conductor(Daluyan) ay directly proportional kay Voltage( Potential difference.)
So ibig-sabihin pag Tinaasan si Voltage tataas din si Current, pag mababa si Voltage, mababa din si Current. And inversely proportional naman kay Resistance, So pag tinaasan ang resistance sa circuit, mababa ang Current Kung ang Voltage ay hindi magbabago.
Ngayon ilalagay ko dito mga math formula para makuha ang I(Amperes), V(voltage) at R(Resistance)
Paano makuha ang Voltage?
V = I * R Voltage is equal to I(current or Ampere) times R(Resistance or Ohms)
Kunwari Given ang Current(Ampere) at Resistance(Ohms)
I = 2Amp (Ampere) and R = 100 Ohms Ω
gamitin natin ang Ohms Law formula para sa voltage V = I * R
V = 2Amp X 100 Ohms = 200
So ang voltage ay 200 volts.
Paano makuha ang Current or Ampere?
I = V / R
Current is equal to Voltage divided by Resistance.
Given:
V = 200v and R = 100 Ω(Ohms)
200v / 100Ω = 2
So ang Current natin ay 2 Amperes,
Ipapaliwanag ko mabuti, kung meron tayong Load(Device) sa Circuit na merong Resistance na 100 Ω at pinadaanan natin ng 200 volts, Ang dadaloy na Current ay 2 Amps.
Paano makuha ang Resistance?
R = V / I
Resistance is equal to Voltage divided by Current(Ampere)
Given:
Voltage = 200v and Current = 2Amp
Resistance = 200v / 2Amp = 100 Ω(Ohms)
So 100 Ohms ang resistance, ganyan lang ka simple.
Ngayon, Meron pang isa, yung Power or Wattage(Watt)
Paano pag kuha ng Wattage?
P = V x I
Power is equal to Voltage times I(Amp)
Given: 220volts and Current 5A(Amperes)
P(Watt) = 220v x 5Amp = 1100 Watts
so ang watts ay 1100.
kung meron kang electrical Device na ang Voltage rating ay 220 volts
at ang Ampere rating ay 5A(Amperes) so ang wattage nung device nayun
ay 1100w (watts).
Ito pa ang ibang Formula para makuha ang, Voltage,Current,Resistance at Wattage.
Ang tanong mahalaga ba yang Ohms Law? Ang sagot ay OO.
Bakit mahalaga?
Kasi importante ang Computation lalu na pagkuha ng Ampere, Bakit?
Kung ang Conductor(Wire) mo ay 10 Amperes lang ang Ampacity
tapos ang Load na sinaksak mo ay 15 Amperes, ang tendency ay masusunog
ang insulation ng wire, kasi nga ang Ampacity lang ay 10Amp tapos ang
Sinaksak mong Load ay 15Amperes edi iinit yung conductor(Copper) so
masusunog yung insulation(goma) ng wire at mag ca-cause pa ng Sunog yan.
Kaya importante yan, Hindi ka Electrician kung hindi mo alam yang Basic
Ohm's Law math nayan. mahalagang alam mo yan lalu na kung isa kang
Electrician.
Sino naka tuklas ng LAW of electricity na ito? Actually si Georg Ohm, siya ay isang German physicist at natuklasan nya yung Law of electricity nayun at pinangalan sa kanya kaya "Ohm's Law",
Ano ba sinasabi ng Ohm's Law nayan?
Ohm's Law Formula. V = I * R
Where:
V = Voltage (Voltage)
I = Electrical Current(Amperes)
R = Resistance(Ohms Ω)
Ohm's law states that the current flow through a conductor is directly proportional to the potential difference (voltage) and inversely proportional to the resistance.
So ano ang ibig sabihin nyan? ipapaliwanag ko.
sabi si Current(Flow ng electrons) sa conductor(Daluyan) ay directly proportional kay Voltage( Potential difference.)
So ibig-sabihin pag Tinaasan si Voltage tataas din si Current, pag mababa si Voltage, mababa din si Current. And inversely proportional naman kay Resistance, So pag tinaasan ang resistance sa circuit, mababa ang Current Kung ang Voltage ay hindi magbabago.
Ngayon ilalagay ko dito mga math formula para makuha ang I(Amperes), V(voltage) at R(Resistance)
Paano makuha ang Voltage?
V = I * R Voltage is equal to I(current or Ampere) times R(Resistance or Ohms)
Kunwari Given ang Current(Ampere) at Resistance(Ohms)
I = 2Amp (Ampere) and R = 100 Ohms Ω
gamitin natin ang Ohms Law formula para sa voltage V = I * R
V = 2Amp X 100 Ohms = 200
So ang voltage ay 200 volts.
Paano makuha ang Current or Ampere?
I = V / R
Current is equal to Voltage divided by Resistance.
Given:
V = 200v and R = 100 Ω(Ohms)
200v / 100Ω = 2
So ang Current natin ay 2 Amperes,
Ipapaliwanag ko mabuti, kung meron tayong Load(Device) sa Circuit na merong Resistance na 100 Ω at pinadaanan natin ng 200 volts, Ang dadaloy na Current ay 2 Amps.
Paano makuha ang Resistance?
R = V / I
Resistance is equal to Voltage divided by Current(Ampere)
Given:
Voltage = 200v and Current = 2Amp
Resistance = 200v / 2Amp = 100 Ω(Ohms)
So 100 Ohms ang resistance, ganyan lang ka simple.
Ngayon, Meron pang isa, yung Power or Wattage(Watt)
Paano pag kuha ng Wattage?
P = V x I
Power is equal to Voltage times I(Amp)
Given: 220volts and Current 5A(Amperes)
P(Watt) = 220v x 5Amp = 1100 Watts
so ang watts ay 1100.
kung meron kang electrical Device na ang Voltage rating ay 220 volts
at ang Ampere rating ay 5A(Amperes) so ang wattage nung device nayun
ay 1100w (watts).
Ito pa ang ibang Formula para makuha ang, Voltage,Current,Resistance at Wattage.
Ang tanong mahalaga ba yang Ohms Law? Ang sagot ay OO.
Bakit mahalaga?
Kasi importante ang Computation lalu na pagkuha ng Ampere, Bakit?
Kung ang Conductor(Wire) mo ay 10 Amperes lang ang Ampacity
tapos ang Load na sinaksak mo ay 15 Amperes, ang tendency ay masusunog
ang insulation ng wire, kasi nga ang Ampacity lang ay 10Amp tapos ang
Sinaksak mong Load ay 15Amperes edi iinit yung conductor(Copper) so
masusunog yung insulation(goma) ng wire at mag ca-cause pa ng Sunog yan.
Kaya importante yan, Hindi ka Electrician kung hindi mo alam yang Basic
Ohm's Law math nayan. mahalagang alam mo yan lalu na kung isa kang
Electrician.
Saturday, November 28, 2015
Basic Electrical Principle
Electrical Theory
Paano nga ba nag w-work ang "Electricity"? Ok merong 3 components ang electricity.
ito ay: VOLTAGE, CURRENT and RESISTANCE
1. Voltage. Ang voltage ay electric pressure siya ang tumutulak kay electrons para dumaloy.
2. Current. Ito ay movement or Flow ng electric charge, ang charge na ito ay moving electrons sa wire(conductor).
3. Resistance. Sabi ko nga yung Current ay flow ng electrons, Now si Resistance naman ay siya ang pumipigil sa pag daloy ni Current(Flow ng electrons), sa madaling salita siya nag o-oppose kay current.
Para madaling maintindihan, ihahalintulad ko ito sa WATER or Tubig ^_^
Ayon sa image sa taas, yung Voltage pala ay parang Pressure ng tubig, kung sa tubig ang pressure ay lakas ng pagdaloy ng tubig, sa electricity naman yung "Voltage" ay lakas ng pagdaloy ng Kuryente or electric Current, So sa electricity naman ang Current ay yung Flow ng Electrons. :)
Now naintindihan na natin na ang Voltage ay pressure ng kuryente, now alamin naman natin kung ano si Resistance, ayon sa 2nd image sa taas, merong path ng tubig yung isa "Less resistance" then yung isa ulit ay "More Resistance", kung mapapansin natin dun sa Less resistance ay mas maraming Flow ng current or mas maraming nakakadaan, simple Logic lang pag mababa ang resistance mas maraming nakakadaan dahil sabi nga si Resistance ang nag o-oppose kay current, So kung mataas naman ang resistance konti lang ang makakadaan since pinipigilan ni resistance ang pagdaloy ng Current.
Kung mataas ang resistance ng path ng Kuryente edi konti lang makakadaang kuryente or flow ng electrons, btw magkaiba ang Voltage sa Current, Pwedeng mataas ang Voltage pero mababa ang current.
Bigyan ko kayo ng example. yung Sparker sa lighter or tinatawag na piezo ignition diba pag nag spark yun medyo masakit pag tumama sa balat? Actually High Voltage yun, Yes Mataas ang Voltage nung spark nalumalabas dun, ito ang tanong bakit hindi nakakamatay? The reason is mababa ang Current nya, or yung electrons na dumaloy, pero yung Pressure malakas(Voltage) diba nga ayon sa Principle ng electricity ang Voltage ay yung tumutulak kay Current, So Theoretically speaking yung Current ang nakakamatay hindi yung Voltage. :) Pag mataas ang current kahit 220v lang yan nakakamatay nayan.
Next naman ay 3 Types ng Electricity.
1. D.C (Direct Current)
2. A.C(Alternating Current)
3. Static electricity
.Ok D.C, leme explain kung ano ang D.C nayan (DisConnect?) Jokes hahahaAng D.C ay Direct current, bakit direct current ang tawag? kasi isa lang ang direction ng flow ng electrons, diba sa Battery ay my Polarity, Positive + and negative - .para mas madaling mapaliwanag magbibigay ako ng image ng DC circuit.
DC Circuit.
Kung mapapansin nyo, yung direction ng arrow from negative then dumaan sa load(bulb) to positive ng battery, Actually yung arrow ay direction ng flow ng current or pagdaloy ng kuryente sa circuit, So in Theory ang electrons sa battery ay ng gagaling sa negative(-) ng battery papunta sa positive (+), ito ang tanong bakit sa negative lang ng gagaling yung kuryente pag DC?, ipapaliwanag ko kung bakit.
Sa Theory ng electricity my tinatawag tayong "Potential Difference"
diba sinabi ko kanina na yung current ay flow ng Electrons.
para maintindihan, alamin muna natin kung sino si electrons ^_^
sabi nga ni Einstein ang Matter ay energy.E=mc2(Energy = mass * Speed of light squared)
hindi na natin tatalakayin yang e=mc2 nayan, focus tayo sa Matter haha ^_^
Punta tayo kay "Matter" ano ba ang buildingblocks ni matter? actually Atom
Ang Atom ay buildingblocks ni Matter. ngayon alamin natin ang mga parts ni Atom.Protons,Electrons at neutrons yan ang mga parts ni Atom.
Protons = Positive charge
Electrons= Negative charge
Neutrons= No charge(Neutral)
So ang Electrons pala ay Negative charge kaya sa negative ng battery ng gagaling kasi ayon sa principle ng electricity na ang kuryente ay flow ng electrons eh malinaw na ang electrons ay negative charge, ngayon balikan natin yung sinabi kong "Potential Difference"
Pag sinabing Potential Difference, ibigsabihin ito ang pagkaka iba ng electrical potential sa dalawang points, ganito yan sa Negative terminal ng Battery let say merong 15 na bilang ng Electrons, sa Positive terminal naman ay merong 5 na Electrons, So ang tanong my pagkaka-iba ba sila? Yes mas maraming Electrons yung negative terminal kumpara kay positive terminal ng battery, ngayon pag pinagdikit mo yang si negative at positive, since my potential difference sila, magkakaroon ng attraction so magkakaron ng pagdaloy ng kuryente, yung ibang Electrons from negative pupunta kay Positive hanggang mag equal na sila, Kung sa negative terminal ng battery ay merong 15 na electrons, isa isa yan mag lilipatan kay Positive terminal until mag equal na sila, so kung 5 ang electrons ni Positive terminal ilan ang need nya para mag equal sila ni negative terminal? Lima, so my limang electrons na mapupunta kay Positive from negative so mag e equal na sila, bawasan ng limang electrons si negative, ilan nalang? 10 tapos my napuntang lima kay positive, so ilan na kay positive? 10 na electrons na, so parehas na sila ng bilang ng electrons, tig 10, in that case wala na silang Potential difference kasi nga nag equal na. parehas na sila ng dami ng electrons. meaning Empty na yung battery wala ng dadaloy na current, so need i charge, ang Logic sa rechargeable battery ay ni re-reverse lng ni charger yung mga electrons na napunta kay Positive ng battery. para magkaroon ulit ng Potential Difference. malinaw ba? haha
AC(Alternating Current)
Ang A.C naman ay electric current din pero nagbabago ng direction, Actually my polarity din yan pero since na mabilis ang pag alternate niya ng direction eh kino-consider na nating walang Polarity :) kung sa DC ay laging isa lang ang direction ni current(from negative to positive) sa A.C naman ay nag papalit-palit, Kung susukatin natin ang Frequency(Cycle per second) ng AC na kuryente dito sa Pinas eh 60hz ang masusukat natin, meaning 60 cycles per second, so nakaka 60 na beses magpalit ng direction ng current ang A.C kada segundo, thats why kino consider na nating walang polarity ang AC pero sa totoo lang meron kasi ayon nga sa Theory or principle ng electricity, para magkaroon ng pag daloy ng kuryente kailangan my Potential difference between 2 points.
Static electricity.
ito naman yung stationary electric charge, nagkakaron ng static by Friction or pagkiskis ng dalawang bagay, nagkakaron ng charge.
Next tutorial ko naman ay about sa Ohm's Law pag calculate ng Voltage,Current at Resistance also ng wattage. pati mga types of wire in accordance with Philippine Electrical Code.
Subscribe to:
Posts (Atom)