Saturday, March 5, 2016

Basic Electronics - Passive Components.

BASIC ELECTRONICS!

Lets start.
Passive Components sa electronics.


Resistors, Capacitors at Coils ay PASSIVE Components.
Semi-conductors naman ang ACTIVE.

Passive:


Resistor ay my dalawang terminal.Ito ay my Resistance, meaning hinaharang nya ang Flow ng Electrons(Amperes) pag mas mataas
ang Resistance(Ω Ohms) konti lang ang makaka-daan
na Current(Amperes)

Resistor sample.















Ang value ng resistor para malaman kung ilang Ohms
ay sa pamamagitan ng Color Coding.

Resistor Color Coding.


















Example ng Value.

1k
Ω  -     1 kilo Ohms yan or 1000 Ohms
10kΩ - 10 Kilo Ohms or 10,000 Ohms, ganun lang ka simple.

Yung Tolerance naman ay halimbawa
ang resistance ng resistor ay  4,700 ohms at ang tolerance

ay ±5% so ang tunay na resistance nyan ay naglalaro sa 4,465 to 4,953, hindi siya sakto sa 4,700 dahil nga my tolerance.

Next ay Capacitor.
Ito ay isang 
 electrical component na nag
s-store ng energy pero temporary lang
meaning sandali lang, na di-discharged
din.


Example ng Electrolytic Capacitor
Ang electrolytic ay my Polarity (+Positive and -Negative)

bawal magkabaliktad ng kabit sa board, puputok yan.




















my isa pang klase ng Capacitor.

Non-electrolytic Ceramic Capacitor.















Ang non-electrolytic capacitor ay mababa ang 
Capacitance niya kumpara sa electrolytic capacitor.
tsaka walang Polarity ang Non-electrolytic.

Ang SI Unit ng  Capacitance(C) ay Farad.

Symbol ng Farad ay: F

Symbol ng Capacitors.













Sa kaliwa ay yung Non-electrolytic
at sa kanan yung Electrolytic.







Next ay COIL.












Yan ay example ng COIL, conductor na ginawang Coil
katulad ng Copper or Tanso, ang tawag sa ganyan ay
Electromagnetic COIL. kasi pag dinaluyan yan ng
Kuryente ay magkakaron ng Magnetic-Field.

Ginagamit yang Electromagnetic Coil sa
Voltage Transformer, Inductors, electromagnets,
at sensor coils.


Pag dumaloy kasi ang Kuryente sa Coil ay ganito

















Merong magneticField, yung "N" ay North at "S"
ay South, yun ang Direction ng Magnetic Field.
Sa North Palabas ang MagneticField while sa South
ay Papasok ang magneticField.


Ang Direction ng magneticField ay naka depende
din sa Direction ng Current or Kuryente. kung
titignan niyo yung image sa Taas, sa Kaliwa ay
yung "In" dun papasok ang kuryente kung baga
dun ang Negative papunta sa Positive, kasi ayon
sa Principle ng Electricity ang Flow ng Kuryente
ay From Negative to Positive.


Additional Info:

Speed of Light: 299 792 458 m / s

Speed of Sound at Sea Level: 
340.29 m / s

Speed ng Radio waves ay katulad ng speed of Light.
ang radio waves ay Electromagnetic Radiations.


AM and FM sa Radio.

AM = Amplitude Modulation  
FM =  Frequency Modulation


LCD meaning:  liquid crystal display (Flat Screen)

CRT meaning:  cathode ray tube 
(Sina unang Monitor katulad sa mga lumang T.V)



Electronics Symbols.



















1 comment: