Monday, December 12, 2016

Tools - (Electronics/Electrical)

                Mga Tools na need ng Electronics Technician at Electrician.



1. Soldering Iron. ginagamit na panghinang sa mga Pyesa para maikabit sa PCB.
Paalala. Mainit ang Soldering iron ingatan na madikit ang kamay. Safety first!
























2. Digital Multimeter- Ginagamit pang Sukat ng Voltage, Amperes tsaka pang Continuity Test.
Take note. pag magsusukat ng Voltage laging alamin kung D.C ba or A.C para ma i-set ng tama ang settings ng Multimeter at maiwasan ang pagkasira ng multimeter.























3. Hot Air Gun: Ginagamit png re-heat sa PCB para maalis yung Pyesa, usually sa mga cellphone at Appliances pati sa Video Card ng Computer. Kasi pag nag o-overheat yung device lumuluwag yung pagkaka hinang ng mga pyesa so pag ni re-heat parang ma re-resolder ulit.

Pwede i-adjust ang Temperature niyan.


















4. Magnifying Glass - Para makita ang maliliit na pyesa sa board, lalu na yung mga SMD resistor(Surface Mount Resistor) yan mga maliliit masyado yan.























5. Electric ScrewDriver - ito pang tanggal ng mga Turnilyo pero pa Electric siya meaning kusa na siyang iikot pag pinindot mo parang Barena lang, hindi kana mapapagod mag alis ng Turnilyo mapapadali pa ang Trabaho mo.






















6. Electric Drill or Barena - Pang Butas sa pader, magagamit mo ito pag magkakabit ka ng Junction Box for electrical wiring or magkakabit ka ng mga CCTV Cameras sa bahay or Buildings.



















7. Pliers Set - Magagamit mo ito pang Putol ng Wires, pang twist ng wires etc.















 Pag lagi kang nag re-repair ng mga devices etc mahahasa ang Skills mo sa Hands-On or Actual, mas maganda malinis at pulido ang pagkakagawa para Professional ang Dating mo.  Professional Technician. hehe GoodLuck and keep Learning.

Thursday, April 7, 2016

Electronics part 2 tutorial

                                 Electronics

Semiconductor: Ano ang semiconductor?

Ang semiconductor ay isang material na my electrical
conductivity between sa Conductors(Metals) at sa non-conductor
(insulators).

Karaniwan gawa sa Silicon and Germanium ang Semiconductor.
pero madalas gawa sa Silicon.


Actually hindi dina-daluyan ng Kuryente ang Silicon
So para makadaloy ang kuryente sa Silicon or Germanium
My ginagawa dyan, ang tawag ay "Doping" kung saan 
hina-haluan ng  konting amount ng impurity sa Silicon
crystal. So hindi na pure na silicon yan my halo ng iba
Kaya tinawag na Semi-conductor yan.



Example ng Semiconductors.

I.C or Integrated Circuit

















ang I.C ay isang micro-chip, sa loob nyan ay
merong libo or milyong bilang na Small Transistors.
milyon mliyong Tiny na transistors, sobrang liit nun.



Makikita ang I.C sa mga T.V, Radio stereo, computer etc



Next ay Diode.

ito ay isang Rectifier Diode















ito ay ginagamit sa AC to DC converter.
Rectification, kung saan kino convert
ang A.C(Alternating Current) to D.C
(Direct Current)

Ina-allow lang niya na One-way lang
ang Daloy ng Kuryente(D.C)

yang Diode nayan ay ginagamit sa
Rectifier Circuit. (A.C to D.C converter)



Diode Symbol







Merong Polarity yan (+) positive at (-) negative



Next ay Transistor.

















Ito ay isang Transistor.
Ang transistor ay ginagamit na switch or Gates
para sa Signals ng electronics.

ito ay merong tatlong terminals.

1.Emitter
2.Base
3.Collector













my dalawang Types ang transistor

tinatawag na Bipolar Junction Transistor(BJT)
at Field Effect Transistor(FET)

Ang BJTs ay mga NPN at PNP transistors

samantala ang FET transistor naman ay
JFET and MOSFET


Medyo malalim na Theory para maipaliwanag
ang BJT at FET transistors. sa Advance electronics
nayan kung saan mas malalim ang Theoretical discussion.



Saturday, March 5, 2016

Basic Electronics - Passive Components.

BASIC ELECTRONICS!

Lets start.
Passive Components sa electronics.


Resistors, Capacitors at Coils ay PASSIVE Components.
Semi-conductors naman ang ACTIVE.

Passive:


Resistor ay my dalawang terminal.Ito ay my Resistance, meaning hinaharang nya ang Flow ng Electrons(Amperes) pag mas mataas
ang Resistance(Ω Ohms) konti lang ang makaka-daan
na Current(Amperes)

Resistor sample.















Ang value ng resistor para malaman kung ilang Ohms
ay sa pamamagitan ng Color Coding.

Resistor Color Coding.


















Example ng Value.

1k
Ω  -     1 kilo Ohms yan or 1000 Ohms
10kΩ - 10 Kilo Ohms or 10,000 Ohms, ganun lang ka simple.

Yung Tolerance naman ay halimbawa
ang resistance ng resistor ay  4,700 ohms at ang tolerance

ay ±5% so ang tunay na resistance nyan ay naglalaro sa 4,465 to 4,953, hindi siya sakto sa 4,700 dahil nga my tolerance.

Next ay Capacitor.
Ito ay isang 
 electrical component na nag
s-store ng energy pero temporary lang
meaning sandali lang, na di-discharged
din.


Example ng Electrolytic Capacitor
Ang electrolytic ay my Polarity (+Positive and -Negative)

bawal magkabaliktad ng kabit sa board, puputok yan.




















my isa pang klase ng Capacitor.

Non-electrolytic Ceramic Capacitor.















Ang non-electrolytic capacitor ay mababa ang 
Capacitance niya kumpara sa electrolytic capacitor.
tsaka walang Polarity ang Non-electrolytic.

Ang SI Unit ng  Capacitance(C) ay Farad.

Symbol ng Farad ay: F

Symbol ng Capacitors.













Sa kaliwa ay yung Non-electrolytic
at sa kanan yung Electrolytic.







Next ay COIL.












Yan ay example ng COIL, conductor na ginawang Coil
katulad ng Copper or Tanso, ang tawag sa ganyan ay
Electromagnetic COIL. kasi pag dinaluyan yan ng
Kuryente ay magkakaron ng Magnetic-Field.

Ginagamit yang Electromagnetic Coil sa
Voltage Transformer, Inductors, electromagnets,
at sensor coils.


Pag dumaloy kasi ang Kuryente sa Coil ay ganito

















Merong magneticField, yung "N" ay North at "S"
ay South, yun ang Direction ng Magnetic Field.
Sa North Palabas ang MagneticField while sa South
ay Papasok ang magneticField.


Ang Direction ng magneticField ay naka depende
din sa Direction ng Current or Kuryente. kung
titignan niyo yung image sa Taas, sa Kaliwa ay
yung "In" dun papasok ang kuryente kung baga
dun ang Negative papunta sa Positive, kasi ayon
sa Principle ng Electricity ang Flow ng Kuryente
ay From Negative to Positive.


Additional Info:

Speed of Light: 299 792 458 m / s

Speed of Sound at Sea Level: 
340.29 m / s

Speed ng Radio waves ay katulad ng speed of Light.
ang radio waves ay Electromagnetic Radiations.


AM and FM sa Radio.

AM = Amplitude Modulation  
FM =  Frequency Modulation


LCD meaning:  liquid crystal display (Flat Screen)

CRT meaning:  cathode ray tube 
(Sina unang Monitor katulad sa mga lumang T.V)



Electronics Symbols.



















Friday, March 4, 2016

CCTV installation.

Mga dapat malaman kung gusto mo maging CCTV Technician or installer.

1. DVR or tinatawag na Digital Video Recorder.

2. Camera.  my dalawang klase ng camera, indoor at outdoor, pag indoor ito yung mga  Dome camera sa loob ng gusali kina-kabit.
3. Coaxial Cable. ito naman yung cable na gagamitin mo para i connect ang 
camera sa DVR ng CCTV.














Ito ang DVR, dyan naka connect ang mga surveillance camera.




































ibat- ibang klase ng mga Camera ng CCTV.
Sa pag pili ng camera na gagamitin merong tinatawag na
TVL or TV-Lines/ Lines of Horizontal Resolution ng

analog camera, ito yung Quality ng camera.
merong 400-TVL 700-TVL 900-TVL etc

mas maganda ang 900-TVL na Camera ng cctv, malinaw kasi.



Next ay Coaxial Cable. Ito ang cable na gagamitin sa camera papunta sa DVR. From camera to DVR ng CCTV.

























Kung my background ka sa Computer ay hindi kana mahihirapan sa Configuration ng DVR ng cctv, konting Analyze lang ang need.


Btw nilalagyan ng Hard drive disk sa loob ang DVR ng CCTV.
SATA na HDD(
Hard Drive Disk) ang nilalagay, merong SATA connector 
sa loob nun pag inalis mo yung Case ng DVR,  dun ma sa-save lahat ng Videos na na record ng CCTV. :)



Para ma view ang CCTV sa Computer or Phone, make sure na

connected yung DVR sa  LAN Router, using RJ45 Cable para
sa LAN. kung connected na then punta ka sa Browser.

Then type mo yung I.P Address ng  DVR ng cctv sa browser.

192.168.1.10  yan ang default IP ng mga cctv


Additional Info:

RJ45 Cable. ginagamit sa 
 Ethernet computer network.




















Next.
BNC Connector (Bayonet Neill–Concelman)
connect/disconnect radio frequency 
connector
 used for coaxial cable.  BNC ang tawag dyan



















Next.
RCA Connector/Jack

Ginagamit sa  Audio/Video Connections.













Next
VGA  - Video Graphic Array Cable

ginagamit sa LCD monitor for video Display.